MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng walkthrough sa mga kalye ng Quiapo, Maynila para sa paghahanda sa Nazareno 2026 na gaganapin sa Enero 9.
Mga 14,000 pulis ang ide-deploy mula Quirino Grandstand hanggang Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno.







