MANILA, Philippines – Inaasahan ang pagbaba ng presyo ng langis sa linggo ng Pasko, ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa apat na araw ng monitoring ng Means of Platts Singapore, inaasahang bababa ang gasolina ng P1.20 kada litro, diesel ng P1.70, at kerosene ng P1.75, hindi kasama ang gastos ng negosyo.
Ayon kay DOE Assistant Director Rodela Romero, dulot ito ng optimism sa posibleng kasunduan sa pagitan ng Russia at Ukraine, sapat na suplay sa pandaigdigang merkado, at mababang demand ng langis.
Sa kasalukuyan, tumaas na ang presyo ng gasolina ng P21.30, diesel ng P21.65, at kerosene ng P6.65. Dave Baluyot