Home NATIONWIDE P30M water impounding project nakumpleto na sa Kalinga – DA

P30M water impounding project nakumpleto na sa Kalinga – DA

1
0

MANILA, Philippines – Nakumpleto na ang P30 milyong maliit na water impounding project sa Tabuk City, Kalinga na makatutulong sa pagsusuplay ng irigasyon sa mga magsasaka sa nagpapatuloy na El Nino, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, ang Bulo-Magasusu Small Water Impounding Project sa Barangay Bulo sa Tabuk City, Kalinga ay inaasahang makatutulong sa 35 magsasaka sa pagpapatubig sa 85 ektarya ng lupain sa tagtuyot.

“This project—one of many the DA had envisioned-would help address one of the biggest uncertainties confronting farmers, particularly those whose livelihoods depend on increasingly unpredictable weather patterns,” saad sa pahayag ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel.

Hinimok ni Tiu Laurel ang mga asosasyon na panatilihing maayos ang pasilidad at masigurong makikinabang pa ang mga susunod na henerasyon dito.

Patuloy din ang ahensya sa paggawa ng mga proyekto na magpapataas sa ani, magpapababa sa gastos, at magpapabuti ng kita ng mga magsasaka.

Sakop ng pasilidad ang 85 ektarya ng lupain na may pond na may lawak na 18 ektarya at watershed na may 177 ektarya.

Mayroon din itong 13-meter-high dam, isang 1.75-kilometer irrigation canal, at 94-meter outlet pipe.

Nagpasalamat naman si Tiu Laurel sa Magasuso Small Water Impounding System Association sa tulong nito na makumpleto ang pasilidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here