MANILA, Philippines – Nagsumite ang Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes ng karagdagang mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay ng mga flood control project, kabilang ang mga proyekto sa Marikina at Pasig.
Ayon sa PNP, 26 kahon ng mga dokumento ang kanilang inihatid.
Ang mga ito ay nagmula sa isinagawang technical validation ng mga nasabing proyekto.
Gagamitin ang mga dokumentong ito bilang batayan ng ICI kung magrerekomenda ito ng posibleng pagsasampa ng mga kaso sa Office of the Ombudsman kaugnay ng mga flood control project. RNT/MND