QUEZON CITY, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP), kasama si Acting Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, mga opisyal ng PNP–Highway Patrol Group (HPG), at ng Bureau of Customs, ang pagsamsam ng umano’y smuggled at undocumented na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱143 milyon nitong Biyernes, Disyembre 19, 2025, sa Camp Crame, Quezon City.


Ayon sa ulat, ang mga sigarilyo na nakalagay sa dalawang trailer trucks ay naharang noong Disyembre 17 sa kahabaan ng G. Araneta Avenue sa Quezon City ng PNP-HPG bilang bahagi ng kanilang operasyon laban sa carnapping at pagpapatupad ng traffic laws.
Ang pagkaka-seize ng mga smuggled cigarettes ay bahagi ng pagsusumikap ng PNP at Bureau of Customs na labanan ang ilegal na kalakalan at ipatupad ang batas sa bansa. DANNY QUERUBIN








