MANILA, Philippines – Umapela ang Simbahan ng Quiapo sa mga deboto ng Poong Jesus Nazareno na huwag salubungin ang traslacion sa Enero 9, 2026.
Ayon kay Alex Irasga, Technical Consultant ng Minor Basilica at National Shrine ni Jesus Nazareno na nakaka-abala kung sasalubungin ang translacion partikular sa bahagi ng Ayala Bridge at Carlos Palanca St.
Ang panawagan ni Irasga ay makaraang magsagawa ng walkthrough o inspeksyon ang PNP-NCRPO sa mga ruta ng Translacion ng Jesus Nazareno.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Quiapo Church sa DPWH kaugnay sa mga proyektong ginagawa sa Palanca at ibaba ng Quezon bridge.
Sinabi ni Irasga na ito na ang huling inspeksyon na layong tingnan ang pagsasaayos sa mga kalye upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto. Jocelyn Tabangcura-Domenden