Home NATIONWIDE Halos 180,000 pasahero inaasahang dadagsa sa PITX bago mag-Pasko

Halos 180,000 pasahero inaasahang dadagsa sa PITX bago mag-Pasko

244
0

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa 180,000 ang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa huling Biyernes bago ang linggo ng Pasko.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga biyahe sa terminal ay fully booked na. Karamihan din ng mga pasahero ay patungong Bicol at Visayas.

Pero sinabi ng PITX management na may ilang bakanteng biyahe pa dahil nadagdagan ang schedule ng bus companies hanggang apat na biyahe kada araw.

Inaasahan nila na aabot sa 200,000 pasahero sa PITX pagsapit ng Disyembre 23. Hanggang alas-6 ng gabi noong Biyernes, naitala na ang 140,000 pasahero.

Mahigpit ang seguridad sa PITX, kung saan may PNP help desks na naka-set up.

Samantala, sa ibang terminal sa Metro Manila, mabilis nang maubos ang biyahe. Sa Cubao, Quezon City, fully booked na ang air-conditioned buses papuntang Bicol hanggang Disyembre 31. Ang natira na lang ay regular buses na first-come, first-served.

Ganun din, fully booked na ang night trips papuntang Cagayan sa terminal sa Sampaloc, Manila. Ang terminal sa Marikina City ay inaasahang makakaranas ng dami ng pasahero papuntang Visayas sa mga susunod na araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here