MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang motorcycle rider na sumikat sa social media matapos makipagtalo sa isang babaeng motorista at hamunin ang isang security guard sa away.
Inutusan ng LTO ang rider na dumalo sa kanilang Intelligence and Investigation Division sa Quezon City sa January 5, 2026, upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat parusahan sa paglabag sa traffic rules.
Ayon sa paunang ulat, inatake umano ng lalaki ang babaeng motorista na naghihintay lang ng kanyang “booking” sa Camarin Road. Sinabi rin ng LTO na nakipag-ugnayan ang ina ng rider sa opisina sa Quezon City para magbigay ng karagdagang impormasyon at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon. RNT/MND