Home NATIONWIDE Deboto ng Nazareno, patay sa saksak sa prusisyon

Deboto ng Nazareno, patay sa saksak sa prusisyon

249
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaking deboto ng Poong Nazareno matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang prusisyon sa Caloocan City.

Ang biktima nakilalang si alyas Jr, residente ng nasabing ring lungsod ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ayon sa kaanak ng biktima dakong 7pm ng sinundo umano ito ng dalawa nitong kaibigan upang pumasan sa isinasagawang prusisyon ng Nazareno ng ilang kabataan sa Libis Espina ng nasabing lungsod.

Pagdating sa nasabing prusisyon ay agad umanong sumama sa pila ng mga namananata ang biktima upang pumasan sa Nazareno kung saan ay nilapitan umano ito ng salarin at agad na sinaksak sa likod na umabot sa puso.

Agad na nagkaroon ng kaguluhan kung sa mabilis namang isinugod ng kanyang mga kasama ang biktima sa pagamutan at doon ay binawian ng buhay.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here