Home METRO Mayon nananatili sa alert level 2

Mayon nananatili sa alert level 2

1
0

ALBAY, Philippines – Namataan ang pamamaga ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Oktubre 13, 2026.

Ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan matapos maitala ang 11 volcanic earthquake sa paligid nito. Namataan din ang pagbuga ng usok mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa 400 metro ang taas.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa posibleng panganib ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa posibleng pagguho ng mga bato mula sa tuktok ng bulkan at pag-agos ng lahar kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here