Home METRO 93 lumang pampasabog, narekober sa Sulu

93 lumang pampasabog, narekober sa Sulu

1
0

JOLO, Sulu, Philippines – Narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 93 iba’t ibang piraso ng hindi sumabog na mga pampasabog, kabilang ang isang 500-pound na bomba mula pa noong World War II, sa isang junk shop sa Barangay Alat, Jolo, Sulu nitong Lunes.

Nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat tungkol sa mga kalawangin at mapanganib na pampasabog na nakaimbak sa establisimyento.

Pinangunahan ni Cmdr. Al-Hafidz Bi, hepe ng Coast Guard Station Western Sulu, kasama ang CGK9-EOD Team Western Sulu at Coast Guard Special Operations Unit Sulu, ang paglalagay ng safety perimeter at paunang pagsusuri bago linisin ang lugar.

Kabilang sa mga narekober ang mga kalawangin na artillery projectile na iba-iba ang kalibre, mortar shell, fuze, at ang malaking 500-pound na bomba.

Kinumpirma ng PCG na ligtas na natapos ang operasyon at walang naitalang insidente. Idinokumento ang mga pampasabog at inilipat sa himpilan ng CGS Western Sulu para sa pansamantalang imbakan habang hinihintay ang ligtas na paghawak at wastong pagtatapon ng mga awtorisadong Explosive Ordnance Disposal (EOD) expert.

Muling nagpaalala ang Coast Guard District Southwestern Mindanao sa publiko na huwag hawakan, ilipat, o pakialaman ang mga lumang bala at hinihinalang pampasabog. Agad itong iulat sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang ligtas na paghawak. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here