Home NATIONWIDE Transparency, oversight sa P6.793-T 2026 budget, tiniyak ng Senado

Transparency, oversight sa P6.793-T 2026 budget, tiniyak ng Senado

280
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng mga senador nitong Linggo, December 21, na ang P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026 ay may matibay na mekanismo para sa transparency, traceability, at citizen oversight.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, wala na ang “secretive” at pwedeng ipamahaging pondo na nagreresulta sa ghost projects, overpricing, at mga political middlemen. Sa unang pagkakataon, lahat ng proseso mula sa hearings ng subcommittee at committee, House at Senate approvals, hanggang bicameral conference ay livestreamed.

Nagpasalamat siya sa mga citizen groups tulad ng People’s Budget Coalition na tumulong sa pagbuo ng mga polisiya para palakasin ang budget process. Dagdag niya, may safeguards na rin laban sa korapsyon upang hindi na maulit ang nakaraan.

Sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Finance Committee, na may safeguards din lalo na sa mga kontrobersyal na pondo ng DPWH, DA, at DOH. Pinuri niya ang Senado sa pagtatapos ng political patronage system na nagbigay ng kapangyarihan sa mga politiko na makialam sa social programs tulad ng MAIFIP Program.

Ayon kay Gatchalian, pinahaba ang reconciliation ng bicameral panel upang alisin ang overpricing. Sa DPWH budget hearing, natukoy ang P45-bilyong overpricing. Matapos ang review, P20.7 bilyon ang nailagay sa PhilHealth.

Sinigurado rin ng Senado na may eksaktong coordinates ang farm-to-market road (FMR) projects ng DA upang maiwasan ang ghost projects o maling sukat.

Mag-a-activate na rin ang Joint Congressional Oversight on Public Expenditures upang masubaybayan ang key government programs buong taon, hindi lang kapag dumating ang National Expenditure Program (NEP). Ito rin ay para masiguro na ang pondo ay maayos at wasto ang paggamit. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here