Home HOME BANNER STORY Walang gutom kitchen bukas ngayong Kapaskuhan

Walang gutom kitchen bukas ngayong Kapaskuhan

201
0

MANILA, Philippines – Mananatiling bukas ang Walang Gutom Kitchen (WGK) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa natitirang araw ng Disyembre para tumanggap ng walk-in na pamilya at indibidwal na nakakaranas ng hindi sinasadyang gutom.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang WGK sa Nasdake Building sa Pasay City ay isasara lamang sa Disyembre 25 at Enero 1, 2026.
“Open kami all the way to December 24 at magbubukas ulit kami sa 26 all the way to the 31st,” ani Gatchalian.

Hinimok din niya ang mga Pilipino na nais gumawa ng makabuluhang gawain ngayong Pasko na mag-volunteer sa WGK.
“Kung naghahanap kayo ng makabuluhang pagtulong ngayong Pasko, welcome kayo dito sa kitchen para mag-service. Hindi kailangan magdala ng pagkain. Pero kung oras lang ang kaya nyo, the best gift this Christmas is the gift of time. Mag-volunteer kayo dito sa Walang Gutom Kitchen,” dagdag niya.

Maaaring magparehistro bilang volunteer para sa food and water serving, registration, at crowd control sa link ng form o bumisita sa WGK sa Nasdake Building, FB Harrison, Pasay City.

“Nawa ay sa darating na ka-Paskuhan, tuloy-tuloy na tumayong simbolo itong Walang Gutom Kitchen ng pag-asa – pag-asa na kaya natin wakasan ang kagutuman once and for all,” ani Gatchalian.

Noong nakaraang linggo, binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang WGK upang maghatid ng ligaya sa mga street dwellers at sa mga nakararanas ng hindi sinasadyang gutom. Ayon sa Malacañang, nais ng Pangulo na palakasin ang Pag-Abot Program, isang inisyatibo na nagbibigay suporta at proteksyon sa mga street dwellers, kasama ang WGK bilang bahagi nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here