Home NATIONWIDE 2 barko sa Cagayan at Bohol, sinuspinde ng MARINA matapos maaksidente

2 barko sa Cagayan at Bohol, sinuspinde ng MARINA matapos maaksidente

1
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang safety certificates ng dalawang barkong sangkot sa magkahiwalay na insidente sa dagat sa Cagayan at Bohol noong Oktubre 31.

Ito ay ang MBca ROSE MARIE 1 na tumaob sa pagitan ng Dalupiri Island at Fuga Island sa Calayan, Cagayan, at ang MV OCEAN JET 788 na nagkaaberya sa Tagbilaran, Bohol.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Transportation Secretary Vince Dizon na tiyakin ang ligtas na paglalayag.

Sa inisyal na imbestigasyon, malakas na alon at paggalaw ng mga kargang hayop ang hinihinalang dahilan ng pagtaob ng Rose Marie 1 bandang 8:15 ng umaga. Ligtas ang 7 tripulante, habang 6 sa 11 hayop ang namatay.

Samantala, nagkaroon ng electrical failure ang Ocean Jet 788 bandang 10:57 ng umaga habang papadaong sa Port of Tagbilaran na nakaapekto sa makina at manibela nito.

Dahil dito, inatasan ni MARINA Deputy Administrator for Operations RADM Loumer Bernabe ang Enforcement Service at lahat ng regional offices na paigtingin ang inspeksyon at monitoring sa buong bansa.

Binigyang-diin ng MARINA na hindi dapat payagang maglayag ang anumang barko kung hindi tiyak ang kaligtasan nito.

“No vessel should be allowed to sail unless its safety and seaworthiness are assured. Our priority remains the protection of lives at sea,” ani Bernabe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here