Home NATIONWIDE Mga nakumpiskang bulaklak sa Manila North Cemetery, ipinamigay na lang

Mga nakumpiskang bulaklak sa Manila North Cemetery, ipinamigay na lang

1
0

MANILA, Philippines – Minabuting ipamigay na lamang nang libre ni Manila North Cemetery Director Dan-Dan Tan ang mga nakumpiskang bulaklak.

Ayon sa pamunuan ng MNC, ipinagbabawal kasi ang pagtitinda ng bulaklak sa loob ng sementeryo dahil may itinalaga nang pwesto para sa kanila sa labas o bago ang entrada ng MNC.

Ikinatuwa naman ng mga bumisita sa kanilang yumaong mahal sa buhay sa libreng bulaklak lalo pa’t malaki ngayon ang itinaas ng presyo kasabay ng paggunita ng Undas.

Ang mga bulaklak na ipinamahagi ni Tan ay P50 hanggang P200 kada piraso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here