Home HOME BANNER STORY P15M kickback sa maanomalyang flood control project, isinauli ni Sally Santos

P15M kickback sa maanomalyang flood control project, isinauli ni Sally Santos

263
0

MANILA, Philippines – Nagsauli na rin humigit-kumulang P15-milyong kickback sa Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng SYMS Construction Inc., mula sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang kinumpirma ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez bilang bahagi ng ‘restitution money’ ni Sally Santos.

Sa kabuuan, umabot na sa P236 milyon ang naibalik na restitutions sa DOJ ng mga sangkot sa flood control projects.

Una, si Bulacan District Engineer Henry Alcantara na nakapagsauli na ng kabuuang P181-milyon habang si Gerard Opulencia, dating DPWH-NCR ay nagsauli ng P40-milyon, samantalang P15-milyon naman si Sally Santos.

Inaasahang may ilan pang DPWH officials na sangkot sa anomalya ang nakatakdang magsauli ng pera simula sa Enero ng susunod na taon.

Dalawang armored vehicles ang dumating sa DOJ bandang umaga kung saan diniskarga ang isang bag na naglalaman ng pera.

Ang nasabing halaga na ibinalik ni Santos ay isinauli umano ng kanyang kinatawan ngunit inaasahan na dadalo ito sa mga nakatakdang preliminary investigation sa alegasyon laban sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here