Home NATIONWIDE Patay sa bus crash sa Indonesia, 16 naNATIONWIDETOP STORIESWORLD Patay sa bus crash sa Indonesia, 16 naDecember 22, 2025 18:382540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp INDONESIA – Umabot na sa 16 ang nasawi matapos bumangga ang isang coach bus sa barikada sa highway sa Indonesia nitong Lunes, Disyembre 22.Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumihaya pa ito.Ayon sa ulat, ang bus ay patungo sa Jakarta mula sa Yogyakarta.Mabilis ang pagpapatakbo sa bus nang umabot ito sa highway interchange at bumangga sa road barrier.Nasa 15 katao ang dead on the spot habang ang isa ay binawian ng buhay sa ospital.Dinala naman sa Semarang ang ilang mga sugatang biktima para gamutin. RNT/JGC