Home ENTERTAINMENT Milano, to-the-rescue kay Clau, pumalag kay Cristy!

Milano, to-the-rescue kay Clau, pumalag kay Cristy!

312
0

Manila, Philippines – Hindi man binanggit kung anong show, obyus namang ang Cristy

Ferminute ang tinutukoy ni Milano Sanchez na naglabas ng maling ulat tungkol sa isyung sangkot si Claudine Barretto at ng kasambahay niya.

Ayon sa ulat ng CFM, bitbit daw ng aktres ang male-maletang gamit niya sa bahay ni Milano dahil magli-live in na sila.

Kasama pa daw ni Claudine ang adopted child na si Noah.

Sa bersyon ni Milano, may taping ng araw na ‘yon ang aktres na pinik-up daw niya sa bahay nito to spend time at his home.

‘Yung mga maleta’y dati na raw nasa sasakyan ni Claudine na ibinaba lang niya.

Tungkol naman sa paninigaw nito sa kasambahay ni Milano, wala daw itong katotohanan.

Ang totoo, nagkaalitan daw ang dalawa niyang kasambahay, and Claudine being close to them was the one who mediated.

Napagkasundo daw ng aktres ang mga ito na labis nilang ipinagpasalamat.

Tinawag na “skewed” at “erroneous” ni Milano ang impormasyong inilabas ng CFM.

Pinalagan niya ang ulat tungkol sa isang nilalang na alam niyang nagtataglay ng “beautiful heart and soul.”

Mahihinuhang sa naturang Facebook post ni Milano ay hindi totoong break na sila ni Claudine.

Presumably to protect their privacy, binura ni Claudine ang mga photos ni Milano.

But how can you explain Claudine’s cryptic post on having no regrets, only lessons learned? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here