MANILA, Philippines – HANDA ang Pilipinas na tumayo bilang mediator sa pagitan ng Thailand at Cambodia, dalawa sa miyembro ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na naka-lock sa marahas na border conflict na nauwi sa nakamamatay na pagpapalitan ng pag-atake nitong mga nakaraang linggo.
Ang Pilipinas ay incoming chairman ng ASEAN.
Inihayag ito ni Foreign Secretary Theresa Lazaro sa isang special ASEAN Foreign Ministers meeting sa Malaysian capital ng Kuala Lumpur, kung saan pinag-usapan ng matataas na diplomat ang nagpapatuloy ng karahasan sa pagitan ng dalawang nasabing bansa, limang buwan matapos ang tigil-putukan na inareglo ni US President Donald Trump.
Ang miting, araw ng Lunes ay ipinatawag ng Malaysia bilang kasalukuyang ASEAN Chair.
“Following the discussions today, the Philippines said that it is prepared to assume the role of facilitator/mediator between Cambodia and Thailand should both parties decide to make use of the good offices of the Chair once the Philippines assumes the Chairship in January 2026,” ang sinabi ng Department of Foreign Affairs sa isang kalatas.
Nakapagtala naman bilang ng mga taong nasawi sa magkabilang panig sa nasabing bakbakan simula pa noong nakaraang linggo, habang mahigit sa kalahating milyon ang na-displaced, ayon sa mga opisyal ng Thai at Cambodian.
Ang bakbakan ay lumikha ng pag-aalala mula sa maraming bansa kabilang na sa Estados Unidos.
Araw ng Linggo, hinikayat ng US Department of State ang Thailand at Cambodia na “end hostilities, withdraw heavy weapons, cease emplacement of landmines, and fully implement the Kuala Lumpur Peace Accords, which include mechanisms to accelerate humanitarian demining and address border issues.”
Sa hiwalay na kalatas, sinabi ni Lazaro na suportado ng Pilipinas ang “any agreement between the two Parties towards a peaceful and sustainable solution to the situation under the facilitation of the ASEAN Chair Malaysia.”
“I welcomed the openness and the sincerity of Cambodia and Thailand to dialogue and cessation of hostilities,” ang winika ni Lazaro sa X.
Ang relasyon sa pagitan ng Southeast Asian neighbors ay lumala matapos masawi ang isang Cambodian soldier sa isang armed confrontation sa isang kapirasong lupa na kapuwa inaangkin ng dalawang bansa.
Minaliit din ng dalawang bansa ang diplomatic relations sa pamamagitan ng pagtawag sa kani-kanilang ambassadors sa bawat ibang bansa.
Samantala, makailang ulit naman na sinabi ng Maynila na wala itong pinapanigan sa labanan, subalit nanawagan sa dalawang bansa na manatiling “open lines of communication and ensuring the de-escalation of the situation.” Kris Jose