Home METRO 108 PDL sa Mandaue City Jail, malayang magpa-pasko

108 PDL sa Mandaue City Jail, malayang magpa-pasko

260
0

CEBU, Philippines – Apat na araw bago ang Pasko, 108 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya noong Lunes, Disyembre 22, matapos silang makapasok sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa ilalim ng Republic Act 10592.

Sa ilalim ng batas, maaaring mabawasan ang sentensiya ng mga PDL kung sila ay may mabuting asal, aktibong sumasali sa rehabilitation programs, at nakikilahok sa mga produktibong gawain habang nasa kulungan.

Isinagawa ang sabay-sabay na pagpapalaya sa Christmas GCTA-Based Release and Reintegration Ceremony ng lungsod, na pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Mandaue City.

Ayon kay Jail Supt. Jessie James Gingoyon, napapanahon ang pagpapalaya dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga dating inmate na makapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko.

Mas mahalaga pa umano, ang kanilang kalayaan ay nagbibigay ng bagong pagkakataon upang muling buoin ang kanilang buhay.

Dagdag ni Gingoyon, makakatulong din ang mass release upang mabawasan ang matinding siksikan sa Mandaue City Jail–Male Dormitory.

Sa kasalukuyan, 1,659 inmates ang nasa pasilidad kahit na 400 lang ang tunay nitong kapasidad.

Bilang dagdag-tulong, namahagi rin ang pamahalaang lungsod ng Mandaue, sa pangunguna ni Mayor Thadeo Jovito “Jonkie” Ouano, ng Christmas gift packs sa mga pinalayang PDL. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here