Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng bansa uulanin sa Amihan, Easterlies

Ilang bahagi ng bansa uulanin sa Amihan, Easterlies

244
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Biyernes, Disyembre 26, 2025 dahil sa iba’t ibang weather system.

Ayon sa PAGASA, ang Batanes at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Ang Mainland Cagayan, Isabela, at Apayao naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil din sa kaparehong weather system.

Samantala, ang Visayas, Mindanao, at Palawan ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Easterlies.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here