Home NATIONWIDE 2 nasawi, 260 sugatan sa kabi-kabilang aksidente sa Christmas rush

2 nasawi, 260 sugatan sa kabi-kabilang aksidente sa Christmas rush

259
0

MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang namatay habang mahigit 260 ang nasugatan sa mga aksidente ng motorsiklo sa gitna ng Christmas rush, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Disyembre 26.

Ayon sa bulletin ng road crash injuries nito para sa Disyembre 21 hanggang alas-5 ng umaga ng Disyembre 26, sinabi ng DOH na ang bilang ng mga kaso o indibidwal na nasangkot sa mga insidente ng road crash ay umabot sa 263.

Ito ay 7% na mas mababa kumpara sa parehong monitoring period noong 2024.

Ang bagong bilang ay nagmula sa datos na isinumite ng 10 sentinel hospitals na sinusubaybayan ng Health Department.

Nagbigay ng mga paalala ang DOH sa mga motorista upang matiyak ang kaligtasan kapag naglalakbay:

– Magsuot ng helmet, na aprubado ng Department of Trade and Industry (DTI) kapag nakasakay sa motorsiklo, at seat belt para sa mga driver at pasahero ng sasakyan.

– Huwag magmaneho, kapag pagod o nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

– Sundin ang mga itinakdang speed limit, at road signs upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay.

– Tiyakin na makakuha ng 7 hanggang 8 oras ng tulog bago maglakbay.

– Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nakasakay sa motorsiklo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here