Home NATIONWIDE Matandang binata nanlamas ng batang nangangaroling kalaboso

Matandang binata nanlamas ng batang nangangaroling kalaboso

247
0

Bulacan – Arestado ang 56 anyos na binata na umanoy nanlamas sa kaselanan ng 13 anyos sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Disyembre 24.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Lito”, habang ang biktima ay si alyas “Nikki”, 13, grade 4 student, kapwa residente ng Brgy. Dulong Bayan.

Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 7:30 ng gabi sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, sa kasagsagan nang pangangaroling ng biktima kasama ang kanyang mga kapatid at pinsan sa kalapit na bilyaran ay may player na nagsabing sandali lang.

Dahil dito, umupo at nag-antay ang mga nangangaroling hanggang sa lapitan ng suspek ang biktima at simplehang pinaghihipuan ito sa maseselang parte ng katawan.

Dali-daling isinumbong ng biktima sa kanyang ama ang nangyari na agad naman humingi ng saklolo sa mga tanod na rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 ang suspek na isinuko kalaunan ng mga tanod sa pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here