Home METRO Ex-tserman utas sa kapatid na barangay chairman

Ex-tserman utas sa kapatid na barangay chairman

224
0

ILOCOS SUR- Tigok ang 46-anyos na lalaki matapos barilin ng kapatid nitong tserman ng barangay sa bayan ng Bantay ng lalawigang ito nitong Araw ng Pasko, Disyembre 25.

Ayon Bantay MPS, ang biktima at ang suspek ay nakatira sa iisang barangay.

Dati umanong tserman ng barangay ang biktima samantalang ang 39-anyos na suspek naman ang nakaupong tserman ngayon.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang magkapatid na humantong sa naturang krimen.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek.

Sa pagsuko ng suspek ay isinuko rin nito ang ginamit na cal. 45 Armscor pistol. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here