MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang pagbaha at masiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa ilalim ng programang “Oplan Kontra Baha”, patuloy na ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways, at DPWH-NCR, katuwang ang mga District Engineering Offices, ang iba’t ibang aktibidad.
Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang paglilinis ng mga estero, dredging at hauling ng spoils, declogging at paglilinis nga mga drainage inlets at laterals, mano-manong declogging sa mga drainage lines, at pati na rin ang desilting sa mga waterways.
Layunin ng mga gawaing ito na matiyak ang maayos na daloy ng tubig sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Sa huling linggo ng Disyembre ngayong taon, 60.1% o mahigit 2,770 61 cubic meters na sa drainages ang sumailalim sa declogging, habang 7, 312.06 cubic meters naman ang natapos sa desilting ng mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang lugar.
Sa bawat linggo ng Oplan Kontra Baha, makakaasa ang publiko na patuloy ang ahensya sa pagtutok at pagkilos upang gawing mas ligtas at mas maayos ang mga komunidad sa NCR. Jocelyn Tabangcura-Domenden