Home ENTERTAINMENT Carlo, napapraning na sa mga sakit!

Carlo, napapraning na sa mga sakit!

262
0

Manila, Philippines – Marami ang nakapansin na malaki ang ipinayat ng magaling na aktor na si Carlo Aquino.

Aminado naman ang isa sa mga bida ng “Bar Boys: After School” na nagkaroon siya ng isyung pangkalusugan.

Nakadagdag pa rito ang pagod, pressure at puyat na kinakaharap niya sa kanyang trabaho.

Katunayan, hindi niya ikinaila na napraning siya sa kanyang kalusugan nang magpa-check up siya.

“Nag-decline yung health ko and nakakita sila ng parang bara sa puso ko,” lahad niya.

Gayunpaman, hindi raw naman siya kinailangang sumailalim sa anomang operasyon.

“Wala naman (opera) pero dahil nasa tamang edad na tayo, madami na akong maintenance, for cholesterol, for high blood. Hindi na ako nagbe-vape, nag-quit na,” hirit niya.

Sa kanyang drastic lifestyle change, gusto na lang daw niyang ilaan ang kanyang oras sa pamilya.

“Ang pinakabisyo ko na lang talaga ngayon is kape. And my daughter and my wife. Actually yung inom, tinigil ko na nung 2022 kasi nga, may uric acid ako. Di ba, lakas maka-senior!” bulalas niya.

Ibig sabihin, mas nahuhumaling siya sa misis niyang si Charlie Dizon sa kasalukuyan. Archie Luao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here