Home METRO Suspek sa pamamaril sa QC walang lisensya bilang sekyu — PNP

Suspek sa pamamaril sa QC walang lisensya bilang sekyu — PNP

252
0

QUEZON CITY, Philippines – Kinumpirma ng mga awtoridad na ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa dalawa niyang katrabaho sa Quezon City ay walang lisensya upang maging security guard.

Ayon sa Philippine National Police–Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA), walang rekord si Charren Caboverde ng License to Exercise Security Profession na kinakailangan para sa lahat ng security guard.

“The suspect has no record of a License to Exercise Security Profession,” ayon sa pahayag ng PNP-SOSIA.

Iniutos din ng PNP-SOSIA sa Regional Civil Security Unit sa Metro Manila na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon upang tukuyin ang pananagutan ng mga sangkot na pribadong security personnel at ng security agency na kinabibilangan ni Caboverde.

Kapag napatunayang may matinding kapabayaan, maaaring suspendihin o bawiin ang lisensya ng ahensya upang mag-operate.

Si Caboverde, 24, ay naaresto na matapos umano niyang barilin at patayin sina Renato Santiago Mallo, 41, at Mark John Baguinio, 28, sa isang Mitsubishi car dealership sa Commonwealth Avenue, Barangay North Fairview, noong Disyembre 24. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here