Home METRO Sunog sumiklab sa Mandaluyong, 3 sugatan, 1 nawawala

Sunog sumiklab sa Mandaluyong, 3 sugatan, 1 nawawala

258
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang sunog sa DOH Hills, Mandaluyong City noong Sabado ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog bandang 6:20 p.m. at naitala ang first alarm ng 6:25 p.m., habang ang second at third alarms ay itinaas ng 6:46 p.m. at 7:00 p.m.

Na-control ang sunog ng 8:10 p.m. at tuluyang naapula ng 9:04 p.m.

Iniulat ng BFP-NCR na tatlong tao ang nasugatan at isang tao ang nawawala dahil sa insidente.

Samantala, nagkaroon din ng sunog sa isang residential area sa Pasay City noong Sabado ng hapon na nagdulot ng tatlong nasugatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here