Home METRO Apat kabilang ang isang bebot, arestado sa sugal, droga sa Valenzuela

Apat kabilang ang isang bebot, arestado sa sugal, droga sa Valenzuela

294
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal kabilang ang 34-anyos na bebot matapos mahuli sa aktong naglalaro ng ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar at makuhanan pa ng droga ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.

Sa tinanggap na ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, hhabang nagsasagawa ng Oplan Galugad sina PCpl Jaime Barlaan at PCol Melvin Unciano, kapwa nakatalaga sa Karuhatan Police Sub-Station 9 sa San Francisco St., Brgy., Karuhatan nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng cara y cruz sa isang bakanteng lote dakong alas-3 ng hapon.

Kaagad nilang nilapitan ang dalawa sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Gary”.

Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 ang dalawang indibidwal kabilang ang isang bebot nang maaktuhan rin na naglalaro ng ilegal sugal lucky 9 sa Casa rival, Northville 1, Brgy. Bignay alas-10:10 ng gabi.

Nasamsam nina PCpl Decster Esparagoza at Pat Pimentel Bolibol sa mga suspek ang bet money at gamit na playing cards habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Ricardo”, 33.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law) habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang kakaharapin ng dalawa sa kanila. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here