Home NATIONWIDE Leviste kay Sec. Dizon sa paglabas ng Cabral files: Checkmate!

Leviste kay Sec. Dizon sa paglabas ng Cabral files: Checkmate!

290
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na “checkmate” si DPWH Secretary Vince Dizon kaugnay sa hiling niya na ipalabas ang Cabral files, ang mga dokumento ng DPWH budget na natanggap ni Leviste mula kay yumaong Undersecretary Maria Catalina Cabral noong Setyembre.

Ayon kay Leviste, sinabi umano ni Dizon kay Cabral na ibahagi ang mga files sa kanya “in the interest of transparency.”

Simula Disyembre 24, nag-upload si Leviste sa Facebook ng dosenang dokumento mula sa Cabral files upang ipakita ang transparency sa DPWH budget.

Hanggang ngayon, hindi pa kinikilala ng DPWH ang pagiging lehitimo ng mga dokumento.

“Binigyan ko ng ilang araw ang DPWH para i-‘authenticate’ ang mga dokumentong in-upload ko sa Facebook—bilang test kung magsisinungaling ba sila, may itatago, o aamin sa katotohanan,” sabi ni Leviste.

Ipinakita niya ang email exchanges sa pagitan niya at ni Sec. Vince na nagkukumpirma sa mga dokumento para sa FY 2025 at FY 2026 DPWH budget, kabilang ang House General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon.

Sa isang panayam sa radyo, muling binanggit ni Leviste na maaaring may ilang tao na nagtatangkang pigilan si Sec. Dizon na isapubliko ang mga files.

“Sinabi sakin ni Sec. Vince nung September na isasa-publiko niya ito. Naniniwala po ako na gusto ni Sec. Vince na i-reporma ang DPWH,” ani Leviste.

Aniya pa, “Sana hayaan natin si Sec. Vince na isapubliko lahat ng datos—magkano ang ‘allocable’ ng bawat pulitiko, sino ang nag-propose ng lahat ng mga proyekto, bahala na po sino ang matamaan. Mahirap po talaga na ilabas ang mga listahan na nandoon ang mga pangalan ng halos buong ng gobyerno. Pero kung ito po ang tama at may magaling tayong DPWH secretary, sana huwag natin siyang pigilan na ilabas ang katotohanan.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here