MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko sa pagsagot sa mga online survey at pag-click sa mga link na umano’y nag-aalok ng regalo o reward galing sa ahensya.
Sa post sa Facebook page, binalaan ng DSWD ang publiko na huwag magpabiktima sa mga ganitong scam.
“Mag-ingat sa online surveys o links na nag-aalok ng regalo mula sa DSWD. Maaaring panlilinlang at nakawin ang inyong personal na impormasyon.”
Kabilang sa mga halimbawa nito ay ang pekeng online survey na nangangako ng P700 kapalit ng pagsagot sa survey.
“Siguraduhing ang impormasyon ay galing sa official DSWD accounts. Sama-sama nating labanan ang maling impormasyon!” ayon pa sa DSWD. RNT/JGC