Bulacan – Maaari umanong sumabay ang mga kawatan sa kasagsagan ng holiday season sa mga matataong lugar sa lalawigang ito.
Sa report ng Santa Maria police station, nitong Lunes, Disyembre 29, maaari umanong sumabay ang mga kawatan lalo na umano sa mga pampublikong lugar.
Gayundin umano sa mga parking area ng mga malls, mga simbahan at iba pang lugar ngayong abala ang mga tao sa papalapit na bagong taon.
Paalala ng mga awtoridad maging mapatmatyag at huwag maging biktima ng modus na basag-kotse.
Dahil dito, anim na tips ang binigay ng mga awtoridad gaya nang huwag mag-iwan ng gamit sa loob ng sasakyan, i-lock nang maayos ang pinto at bintana, iwasan parada sa madilim o liblib na lugar, gamitin ang car alarm o steering lock, iwasang magdisplay ang mga mamahaling gamit o pera at mag-ingat sa mga nag-aalok ng tulong sa kalsada.
Sinasabing gaya ng salisi, akyat-bahay at iba pang kawatan ay sumalakay sa ganitong panahon na madalas abala at mga walang mga tao sa bahay. Dick Mirasol III