Home ENTERTAINMENT Ellen at Angelica, pinukutan si Derek!

Ellen at Angelica, pinukutan si Derek!

254
0

Manila, Philippines – Inamin ni Ellen Adarna na opisyal nang bahagi ng group chat nila ang kaibigang si Angelica Panganiban.

Nangyari ang kanyang rebelasyon sa pa-question and answer portion niya.

“Actually, super chika na kami, dai. Kasama na siya sa [group chat],” masayang sagot ni Ellen.

Sa nasabing okasyon, sinabi rin ng ex ni Derek Ramsay na excited siyang panoorin ang filmfest entry ni Angelica tungkol sa annulment.

“Manonood nga ako ng ‘UnMarry.‘ So relatable,” dagdag niya.

Tsika pa niya, in good terms din daw siya kay Isabel Santos na current girlfriend ng ex niyang si John Lloyd Cruz na ama ng kanyang anak na si Elias.

Hirit pa niya, botong-boto raw siya sa dyowa sa kasalukuyan ni Lloydie.

“Chika galore kami, dai. She’s so nice. Elias loves her. She’s cool and so pleasant. She’s fun, grabe ang sense of humor,” paglalarawan niya kay Isabel.

Ibinahagi rin ni Ellen na mahal na mahal ng anak niyang si Elias si Isabel, na nakitang kasama rin nila sa piano recital ng bata kamakailan.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang nasabing pagtatapat ni Ellen nang mapag-usapan ng mga tsismosang kapitbahay sa isang portal.

“Naku, pinulutan na nila Angge at Ellen si Derek.”

“Akala ko pa naman, okey na sila ni Derek.”

“Truce lang sila. Pinayagan lang niya na makasama ni Derek ang kanilang anak sa UK dahil nakiusap ang tatay ni Derek na gustong makita ang kanyang apo.”

“Oo nga. Wish daw iyon ng tatay ni Derek at ayaw niyang ma-guilty kung sakaling mategi ang matanda.”

“Ano kayang pinagtsitsismisan nila kay Derek.”

“Naku, Lloydie, behave. Baka next time, sina Ellen at Isabel naman ang pagku-compare notes tungkol sa iyo.”

“Parang ang hirap maging kakampi ni Ellen. You don’t know what’s on her mind. hahaha.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here