Home NATIONWIDE 33K establisyimento ininspeksyon sa labor compliance ngayong 2025 – DOLE

33K establisyimento ininspeksyon sa labor compliance ngayong 2025 – DOLE

267
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes, Disyembre 29 na pinaigting nito ang labor inspection efforts ngayong 2025 para sa mas mahigpit na pagsunod ng mga kompanya sa labor laws.

Sa pahayag, sinabi ng DOLE na 33,007 establisyimento sakop ang 3.7 milyong manggagawa ang ininspeksyon sa ilalim ng Labor Inspection Program (LIP) hanggang nitong Nobyembre.

Ang mga inspeksyong ito ay sinabayan ng 168,100 Technical and Advisory Visits (TAVs), na nakaabot sa 315,560 manggagawa sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Ang pag-award naman ng P2.45 bilyon sa mahigit 835,000 manggagawa ay nagpapakita ng “tangible impact in ensuring workers receive what is rightfully due to them ng programa,” ayon sa DOLE.

Idinagdag pa na ang proactive approach nito sa labor inspections ay nagdala sa pagbuti sa compliance, kung saan ang General Labor Standards (GLS) compliance ay tumaas mula sa 79.87% patungong 94.53% matapos ang corrective measures.

Dagadg pa, tumaas din ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) compliance mula 63.42% ay naging 90.06% kasunod ng interventions.

“These results reflect the growing commitment of establishments to uphold lawful and safe working conditions,” ayon sa DOLE, at sinabing mayroong 100% enforcement ng labor standards cases, at 88% ng issued compliance orders ay natugunan na.

Tinukoy din ng ahensya ang paglalabas nito ng Labor Advisory No. 15 in 2025 sa pagpapakilala ng labor-management preparedness at kilalanin ang obligasyon ng mga employer tuwing may emergency at disruptive events.

Sinabi ng DOLE na patuloy itong magtatatag ng kapasidad ng labor inspectors at susuporta sa mga establisyimento sa pamamagitan ng regular training, skills upgrading, at complementary webinars sa labor standards at workplace safety.

“DOLE assures the public that labor inspections will continue nationwide, with priority given to high-risk industries, as part of the government’s enduring commitment to protect Filipino workers and promote decent work.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here