Home NATIONWIDE Hanggang walong bagyo inaasahan sa unang bahagi ng 2026 – PAGASA

Hanggang walong bagyo inaasahan sa unang bahagi ng 2026 – PAGASA

262
0

MANILA, Philippines – Hanggang walong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa sa unang anim na buwan ng 2026.

Batay sa climate outlook ng PAGASA mula Enero hanggang Hunyo 2026, ang inaasahang dami ng bagyo kada buwan ay ang mga sumusunod:

January: 0 or 1
February: 0 or 1
March: 0 or 1
April: 0 or 1
May: 1 or 2
June: 1 or 2

Sinabi ng PAGASA na sa Enero, above normal to near normal rainfall condition ang inaasahan sa malaking bahagi ng bansa maliban sa western portion ng Luzon kung saan posible ang below-normal rainfall.

Mula Pebrero hanggang Abril, malaking bahagi ng Visayas at Mindanao ay maaaring makaranas ng near-normal rainfall, habang above-normal rainfall naman ang inaasahan sa eastern Mindanao.

Posible rin ang near-normal rainfall conditions sa malaking bahagi ng bansa sa Mayo, at above-normal rainfall naman sa eastern Visayas at eastern Mindanao.

Sa Hunyo, near-normal rainfall conditions ang inaasahan sa buong bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here