Home ENTERTAINMENT Nico Loco, nagtayo ng sariling line ng briefs!

Nico Loco, nagtayo ng sariling line ng briefs!

326
0

Manila, Philippines – Arbor na lang!

Ito ang madalas marinig ng binansagang Vivamax King na si Nico Locco na hinihingan ng mga underwear na ginamit niya sa pelikula.

Since hindi naman mapagbibigyang lahat ni Nico ang mga nanghaharbat sa kanya, minabuti ng proud hubadero na maglabas na lang ng kanyang sariling line of briefs.

Dahil daring nga siya onscreen, tiyak daw na “mapangahas” din ang kanyang produkto.

Description nga ng ilang interested buyers, “makalaglag-panty” among women daw ang look ng briets once suot ng mga kalalakihan.

Mukhang ito ang bagong career direction na tinatahak ni Nico.

Looks like ipinauubaya na niya kina Victor Relosa at Benz Sangalang ang korona bilang Vivamax King.

Kunsabagay, if that’s the case ay mas may nauna kay Nico sa hanay ng mga Vivamax stars to have taken a break from doing daring films.

Lalayo pa ba tayo kay AJ Raval who was once hailed as the Vivamax Queen?

At dahil nga in the words of her father Jeric na anito’y tinamad na’t ayaw nang mag-showbiz, AJ out..Angeli Khang in!

Tinamad nga bang talaga o nirendahan ng nobyong si Aljur Abrenica?

Hindi kaya maisipan na rin ni AJ na maglabas ng sarili niyang line of undergarments just like Nico? Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here