Home NATIONWIDE Halos 1M pasahero dumagsa sa PITX mula Dis. 26–30

Halos 1M pasahero dumagsa sa PITX mula Dis. 26–30

395
0

MANILA, Philippines — Umabot na sa halos isang milyon ang bilang ng mga pasaherong naitala sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Disyembre 26 hanggang 30, ayon sa pamunuan ng terminal.

Sa kabuuan, 975,577 pasahero ang pumasok sa PITX sa loob ng limang araw. Pinakamataas ang naitalang foot traffic noong Disyembre 26, isang araw matapos ang Pasko, na may 214,014 pasahero. Pinakamababa naman noong Disyembre 30 na may 182,443 pasahero.

Naitala rin ang 196,792 pasahero noong Disyembre 27; 191,110 noong Disyembre 28; at 191,218 noong Disyembre 29.

Ibinahagi ni PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na mula Disyembre 19 hanggang 30, umabot na sa 2,370,506 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong pumasok sa terminal.

Sa parehong panahon, 543 ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska sa loob ng PITX, kabilang ang 143 kutsilyo, 118 lighter, 78 cutter blades, 58 gunting, 46 cutter, 30 butane canister at 70 paputok.

Nananatili sa mataas na antas ng alerto ang PITX ngayong holiday season at inaasahang aabot sa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa terminal hanggang Enero 5.

Hanggang alas-11 ng umaga ng Miyerkules, 58,820 pasahero pa ang naitala, dahilan upang umabot na sa 2,429,326 ang kabuuang holiday foot traffic. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here