MANILA, Philippines – TINATAYANG 44% ng adult Filipino ang umaasa na magiging mabuti ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Ito ang lumabas sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nito lamang Nobyembre.
Mayroon namang 38% ng mga respondent ang nagpahayag na nararamdaman nilang mananatiling pareho ang kalidad ng kanilang buhay habang 8% naman ang nagsabi na mas magiging malala ito.
May 9% naman ang hindi sumagot sa nasabing survey question.
Resulta ito ng isang net personal optimism na +36 (% optimists minus % pessimists), kinlasipika ng SWS bilang ‘very high’ at hindi nalalayo mula sa +35 very high score noong Setyembre.
Ayon sa SWS, tumaas ang net personal optimism mula +38 o very high at naging +40 o excellent sa Balance Luzon at nanatiling very high sa Mindanao (+31 noong September hanggang +35 noong November).
Bagaman, nanatili itong ‘very high’ sa Metro Manila at sa Visayas, bumaba naman ang puntos mula +39 at naging +36 at maging +33 na naging +29, ayon sa pagkakabanggit.
Samantala, nanatili namang ‘very high’ ang net personal optimism sa rural areas, tumaas sa +36 mula sa +34 at sa urban areas, mula +36 ay naging +37.
Makikita rin sa resulta ng survey na ang net optimism ay bahagyang tumaas sa hanay ng mga kababaihan mula +38 ay naging +39 at sa hanay naman ng mga kalalakihan ay +33 ay naging +34.
Gayunpaman, sinabi ng SWS na ang net optimism ay bumaba sa edad, naka-iskor ng pinakamataas sa mga indibiduwal na may edad na 18 hanggang 24 na may excellent +54 at pinakamababa sa mga may edad na 55 taon pataas na may +28.
Maliban dito, natuklasan din ng survey na 29% ng adult Filipino ang nagpahayag na ang kalidad ng kanilang buhay ay mas mabuti 12 buwan bago pa ang survey (gainers), 36% ang nasabi na lumala ito habang 34% naman ang nagsabi na ito ay hindi nabago.
Tinuran pa ng SWS na ang net personal optimism sa hanay ng mga gainers ay excellent +58 mula sa +56, at tumaas ng apat na puntos mula sa +13 ay naging +17 sa hanay ng mga losers.
“In all surveys from 2019 to 2025, Net Personal Optimism has been higher among Gainers than among Losers and Unchanged,” ang sinabi ng SWS.
Samantala, ang survey ay isinagawa sa buong bansa ng face-to-face mula November 24 hanggang 30 sa 1,200 adults na may edad na 18 taon pataas. May 300 respondents sa bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon (nalalabing bahagi ng Luzon sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao.
“Sampling error margins are at ±3% for national percentages and ±6% each for Metro Manila, Balance Luzon, the Visayas, and Mindanao,” ayon sa SWS. KRIS JOSE