MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 9.6 degrees Celsius na temperatura sa La Trinidad, Benguet nitong Martes, Disyembre 30, ang pinakamababa ngayong Amihan season.
Mas malamig ito sa 10 degrees Celsius na naitala sa Benguet noong Lunes.
Samantala, nabalot naman ng frost ang mga pananim sa Atok dahil sa patuloy na mababang temperatura.
Ayon sa PAGASA, posibleng bumaba pa sa 7.5 degrees Celsius ang temperatura sa Benguet mula Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero dahil sa mas malakas na Amihan. RNT/JGC