Home METRO 22 sugatan sa granada sa New Year’s party sa Cotabato

22 sugatan sa granada sa New Year’s party sa Cotabato

274
0

COTABATO, Philippines – Dalawampu’t dalawang tao ang nasugatan matapos hagisan ng granada ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa isang roadside New Year’s party sa Barangay Dalapitan, Matalam, Cotabato, pasado alas-12 ng madaling araw nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya ng Matalam, dumaan ang dalawang lalaki sa party at hinagis ang bomba, na pinaniniwalaang hand grenade batay sa mga shrapnel na narekober sa lugar.

Kasalukuyang sinusuri ang CCTV footage upang matukoy at mahuli ang mga suspek.

Mariing kinondena ng Gobernador ng Cotabato na si Emmylou Mendoza ang insidente.

“Violence has no place in the province,” sabi ni Mendoza. Inutusan niya ang Matalam police na tukuyin ang mga suspek at dalhin sa hustisya.

Ayon kay Mendoza, walang nasawi sa insidente at nangako rin siyang tutulong sa mga biktima. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here