LAGUNA, Philippines – Isang hindi kilalang lalaki ang namatay matapos mahulog mula sa tulay sa San Rafael, San Pablo, Laguna noong Martes, Disyembre 30.
Natagpuan ang katawan ng isang lalaki sa ilalim ng tulay at iniulat sa mall security na tumawag sa pulisya bandang 10:30 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, maaaring nahulog ang lalaki mula sa tulay.
Wala namang senyales ng pakikipag-away o foul play at buo ang kanyang mga gamit.
Sinabihan ng pulisya ang publiko na makipag-ugnayan kung may nawawalang kamag-anak upang makilala ang biktima. RNT/MND