Home METRO Rider patay sa aksidente sa Maynila

Rider patay sa aksidente sa Maynila

233
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider nang tumama sa gutter bago tuluyang bumangga sa center island sa bahagi ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila sa kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Kinilala ang biktima na si Derrick John Remo, 32, residente ng New Antipolo St., Tondo.

Sa imbestigasyon binabagtas ng biktima ang kahabaan ng northbound lane ng Rizal Avenue nang pagsapit sa Yuseco Street ay tumama ang kanyang motorsiklo sa gutter at bumangga sa center island.

Tumilapon ang biktima at humampas sa semento at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo kaya agad na dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklara ring patay kalaunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here