Home METRO 3 manggagawa sa MisOr na-suffocate sa septic tank

3 manggagawa sa MisOr na-suffocate sa septic tank

226
0

MISAMIS ORIENTAL, Philippines – Tatlong manggagawa sa isang poultry farm ang nasawi matapos umano’y malason at maubusan ng oxygen habang nasa loob ng septic tank sa isang sakahan sa Barangay Sampatulog, Alubijid, Misamis Oriental noong Martes, Dis. 30, 2025.

Ang mga nasawi ay isang 26-anyos na farm manager na residente ng Sumilao, Bukidnon, at isang 43-anyos na farm worker kasama ang kanyang 16-anyos na anak, na kapwa residente ng Barangay Sampatulog.

Batay sa imbestigasyon, aksidenteng nahulog umano sa septic tank ang pliers ng farm manager habang hinihintay niyang bumaba ang lebel ng maruming tubig.

Pumasok siya sa loob ng tangke upang kunin ang gamit, ngunit nahilo dahil umano sa nakalalasong gas o kakulangan ng oxygen, dahilan upang siya’y bumagsak at malubog sa wastewater.

Pumasok din sa septic tank ang 43-anyos na manggagawa upang sagipin ang farm manager at magbigay ng first aid, ngunit siya rin ay nabiktima ng mapanganib na kondisyon sa loob ng tangke at nawalan ng malay.

Kalaunan, tumalon din sa loob ang anak ng manggagawa upang tulungan ang kanyang ama, ngunit siya man ay nasuffocate.

Dahil dito, binasag ng iba pang farm workers ang konkretong pader ng septic tank upang mailabas ang tatlo at agad silang dinala sa ospital.

Ang tatlong biktima ay idinaklarang dead on arrival ng mga doktor. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here