Home METRO Pulis, 2 iba pa arestado sa pagpapaputok ng baril sa Bagong Taon

Pulis, 2 iba pa arestado sa pagpapaputok ng baril sa Bagong Taon

274
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang bagitong pulis at dalawang iba pa matapos magpaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Maynila.

Nangyari ang insidente sa Tondo at Sampaloc, Enero 1 ng madaling araw o sa gitna ng pagdiriwang ng pagpasok ng 2026.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang dalawa ay naaresto ng MPD-Station 4 sa isang paradahan sa Ligaya Street sa Sampaloc, Maynila.

Napag-alaman na ilang residente ang nagreklamo sa naturang pagpapaputok bandang ala-1 ng madaling araw.

Agad itong nirespondehan ng mga operatiba kaya naaresto ang mga suspek at narekober sa kanilang pag-iingat ang kalibre 45 na baril na may 4 na bala.

Bukod dito, narekober din ng pulis at ng barangay ang siyam na basyo ng bala sa lugar.

Samantala, ang 21 anyos na pulis ay naaresto sa Tondo, Maynila matapos siyang i-sumbong ng mga residente na nagpaputok ng baril pasado alas-2 ng madaling araw sa Barangay 118.

Isang putok paitaas umano ang pinakawalan ng naturang pulis habang nagdiriwang ng bagong taon.

Nakuha sa kanya ng mga operatiba ang isang 9mm na baril na may 6 na bala.

Una nang nagbabala ang pambansang kapuslisyahan na bawal ang pagpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Babala pa ni P/Lt Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na magpapaputok na “pull the trigger, lose the badge”. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here