Home LIFESTYLE HEALTH 235 naitalang nasugatan sa paputok — DOH

235 naitalang nasugatan sa paputok — DOH

373
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng 235 kaso ng firecrackers -related injuries mula 4 ng umaga noong Disyembre 21, 2025, hanggang 4 ng umaga noong Enero 1, 2026, ayon sa Department of Health (DOH).

Gayunpaman, sinabi ng DOH na ang bilang ng mga sugat sa taong ito ay 42 porsiyento na mas mababa kaysa sa 403 kaso noong nakaraang taon.

Nasa 161 biktima ay 19 taong gulang at pababa, habang 74 na biktima ay 20 taong gulang at pataas, ayon sa detalye ng DOH sa isang post sa social media noong Miyerkules ng umaga.

Hinikayat pa ng DOH ang publiko na dalhin ang mga biktima ng mga insidente na may kaugnayan sa paputok sa ospital at tawagan ang 911 national emergency hotline para sa agarang tulong medikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here