Home METRO 2 ‘maria’ timbog sa P61K ‘bato’ sa Bocaue buy-bust

2 ‘maria’ timbog sa P61K ‘bato’ sa Bocaue buy-bust

206
0

BULACAN, Philippines – Sa kulungan na nagdiwang ng bagong taon ang dalawang babaeng nahulihan umano ng P61,200 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue nitong Disyembre 30.

Sa ulat ni PLTCOL Virgilio Ramirez, Acting chief of police ng Bocaue police station, kinilala ang suspek na si alyas “Roxi” at isa pang kasabwat.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa operasyon ang nasa 9 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,200.

Nabatid na kapwa itinuturing ng pulisya na street-level ndividuals ang dalawang naarestong babaeng mga suspek.

Sinasabing patuloy ang istasyon sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng pangako nitong mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here