MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera, ang mga Katolikong mananampalataya na magtiwala sa mga biyaya ng Diyos sa kabila ng mga hamon na hinaharap.
Sa kanyang mensahe sa Bagong Taon, sinabi ni Garcera na maraming hamon habang tinatanggap ng publiko ang bagong taon.
Ngunit, tiniyak ni Garcera sa publiko na pagpapalain ng Diyos ang mga Katolikong mananampalataya sa gitna ng mga pagsubok at hamon na ito.
Sa pagdiriwang ng Bagong Taon, sinabi ni Garcera na ipinagdiriwang din ng Simbahang Katolika ang solemnidad ni Marya, Ina ng Diyos.
Hiniling din niya sa publiko na patuloy na magtiwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga dasal. Jocelyn Tabangcura-Domenden