OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Nagkaroon ng engkuwentro ang tropa ng pamahalaan at mga pinaghihinalaang rebeldeng komunista nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Cabacao, bayan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Army.
Sa paunang ulat na inilabas alas-11 ng umaga, sinabi ng 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade na ang mga sundalo ng 76th Infantry Battalion (Victrix) sa ilalim ng 2nd Infantry Division ay nakasagupa ang mga miyembro ng isang Communist Terrorist Group sa Sitio Mamara habang nagsasagawa ng security operations.
Wala pang inilalabas na detalye ang mga awtoridad hinggil sa bilang ng nasawi o nasugatan, pinsala, at haba ng engkuwentro. RNT/MND