Home METRO Lolo utas sa suwag ng motorsiklo

Lolo utas sa suwag ng motorsiklo

220
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 73-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo sa national highway sa Brgy. Tabug, Batac City ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa Batac City Police Station, ang  namatay na matanda at ang 20-anyos na lalaki na driver ng Honda Click 125 motorcycle ay parehong residente ng naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang motorsiklo ay bumibiyahe papuntang hilaga nang aksidente nitong mabangga ang biglang tumawid na matanda.

Resulta nito, parehong sugatan ang driver ng motorsiklo at ang pedestrian.

Ang driver at ang pedestrian ay agad na isinugod sa ospital.

Gayunman, ang pedestrian ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here