BULACAN, Philippines – Sa pinatinding security operations at strict enforcement of public safety measures ng pulisya ay walang naitalang namatay at tinamaan ng stray bullet sa pagsalubong ng taon sa buong Central Luzon.
Ito ang iniulat ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Enero 1 na nagsabing sa kanilang maagap at zero-tolerance policy on indiscriminate discharge of firearms incidents, tatlong suspek ang naaresto at limang baril ang nasamsam kaugnay sa pagpapaputok ng baril.
Nilinaw ng PRO3 na walang sangkot na pulis o iba pang uniformed personnel sa mga insidente sa nasabing rehiyon.
Sinusulat ito, naitala ang 113 holiday-related incidents, with 29 cases involving firecrackers habang 31 individuals ang nagtamo ng sugat dahil sa firecracker-related incidents.
Kinumpirma ng mga awtoridad na walang namatay dito at walang biktima ng ligaw na bala ang naitala sa kasagsagan ng selebrasyon.
Kaugnay nito, sa patuloy na operasyon ng pulisya sa rehiyon, aabot sa 50,994 prohibited firecrackers and pyrotechnic ang nakumpiska at isinuko kabilang ang 448 improvised “boga” na malaking kabawasan ng panganib sa pagsalubong ng taong 2026. (Dick Mirasol III)